Share

cover art for In Aid of Hot Mommas: Basta Mommy, Bawal Sexy?

Your Honor

In Aid of Hot Mommas: Basta Mommy, Bawal Sexy?

Ep. 92
•

Nakaka-guilty raw magpa-sexy after manganak, sabi ni Jennifer Lee. Pero sabi ni Sheree, you have to claim your power back. Kaya kahit mommy na, gora si Jennifer Lee sa pag-explore ng pole dancing. Habang si Sheree, kumita pa ng 25k sa isang kilikili pic! Sa pagbabalik ng Viva Hot Babes, bibisita sila sa ating hearing bilang sexy mommas dito sa Your Honor! #JenniferLee #Sheree #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals

More episodes

View all episodes

  • 93. In Aid of Hot Daddy: Kuwarentahing Guwaping.

    54:45||Ep. 93
    Isang taong na lang, 50 years old na si Eric Fructuoso. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin kumukupas ang face card ng O.G. guwaping. Sa ating live session this week, samahan si Eric na balikan ang mga nakakalokang interaction niya sa female fans, mga experience niya sa Bubble Gang, at ang kanyang inspiring fitness journey para maibalik ang hotness! #EricFructuoso #YouLOLYourHonor
  • 91. In Aid of Haters: Hayaan o Patulan?

    48:17||Ep. 91
    Aminado si Mika Salamanca na may trauma na siya sa subpoena! Pero sa House of Honorables, matapang niyang haharapin ang mga isyu sa kanya: ang aktingan niya sa Hotel 88, ang kanyang Hawaii controversy, at ang hinihintay ng lahat—sila na ba ni Will Ashley? Sumama na sa live session ng Your Honor at alamin ang mga clapback ni Mika sa bashers! #MikaSalamanca #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals
  • 90. In Aid of Future: Diskarte o Diploma

    50:35||Ep. 90
    Session 90. In Aid of Future: Diskarte o Diploma. Si Mikee Quintos, walang ambag sa thesis?! Late magpasa ng plates? Sa kabilang ng hirap, nilaban ni Mikee ang pag-juggle ng kanyang acads at pag-aartista for 10 years. Kayo kaya pumasok sa school nang naka-costume na kambing! Dito sa Your Honor, haharapin ni Mikee ang mga mga paratang sa kanya, at sasagutin din niya ang ilang taon nang pinagdedebatihan ng madla—ano ang better way to success: Diskarte or Diploma? #MikeeQuintos #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals
  • 89. In Aid of Goals: ‘Di Ko Na Mapipigilan.

    48:32||Ep. 89
    Tuloy-tuloy pa rin ang sakses ng SexBomb Girls, at talagang ‘di mo na sila mapipigilan! Tulad na lang ni SexBomb Mhyca na hindi nagpapigil na sumali sa Sexbomb at 12 years old! Ganun rin si SexBomb Johlan na hindi rin nagpapigil kay Madam Joy kahit may ban sa kanilang pagjo-jowa! Kaya huwag ka ring magpapigil. Maki-hearing na kasama sina Mhyca Bautista at Johlan Veluz dito sa Your Honor! #SexbombMhyca #SexbombJohlan #YouLOLYourHonor
  • 88. In Aid of Galawan: How Men Attract Women.

    54:16||Ep. 88
    Nice guy na medyo pilyo, plus mala-AOS na dance moves. ‘Yan ang atake ni Rayver pagdating sa mga babae. Hirit tuloy ni Madam Cha: Kaya ba ang bongga ng mga ex mo sa showbiz? Sa bagong hearing ng Your Honor, alamin ang mga galawang Rayver Cruz at kung paano niya napapasayaw ang puso ng mga babae, at siyempre, ni Julie Anne. #RayverCruz #YouLOLYourHonor
  • 87. In Aid of Long-Term Relationships: No Kasal, No Sakal.

    50:12||Ep. 87
    “You’re not married, but you’re staying together?” Umay na umay na si Maureen Larrazabal sa unsolicited comments ng mga tao tungkol sa kanilang 23-year relationship. Pero para sa kanya, ano ba naman ang 23 years kung feeling 18 pa rin ang bewang niya sa kanyang jowa? Kaya ang tanong: tuloy-tuloy ba ang 23-year jowaan streak nina Maureen, o baka naman sa silver anniversary, simbahan na ang next stop?
  • 86. In Aid of Kasalan: Any Objections?

    53:33||Ep. 86
    Sabi ni Baninay, pagpatak niya ng 30 at hindi pa nagpo-propose si Bont, makikipaghiwalay daw siya kahit okay sila. Pero buzzer beater si Bont at nag-propose bago ang deadline. At sa Paris pa! Yayamanin! Pero bago ang kanilang kasal, sigurado na kaya na wala na silang atrasan? Alamin ang kanilang revelations dito sa bagong hearing ng Your Honor. #BaninayBautista #BontBryanOropel #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals
  • 85. In Aid of Eksenadora: Ang Pagbabalik ni Miss Flawless.

    53:03||Ep. 85
    Miss Flawless kung siya’y tawagin, kaya nga kahit kalaban niya sa politika, gusto siyang gayahin! Pati ang titulo niyang Miss Flawless, may nang-aangkin. Pero mula noon hanggang ngayon, siya’y patuloy na ligawin! Kahit ilang chismis at kontrobersiya ang batuhin, ang record niya ay flawless pa rin! Ang mga sikreto ng O.G. Miss Flawless, ANGELICA JONES, ma-re-reveal na sa Your Honor!