Share

Usapang Puso sa Puso
#USAPANGPUSOSAPUSO: BANGUNGOT: HINDI LANG PANAGINIP—ISANG BABALA MULA SA PUSO
Ep. 8
•
Sa episode na ito ng Usapang Puso sa Puso, makakasama natin si Dr. Luigi at si Dr. Giselle para himayin ang totoong kwento sa likod ng bangungot—hindi lang ito basta masamang panaginip. Alamin natin kung bakit may mga bigla na lang hindi nagigising, ano ang koneksyon nito sa Brugada Syndrome, at paano natin mapo-protektahan ang sarili o mahal sa buhay mula sa panganib. May kwelang kwento, may seryosong usapan, at may bagong kaalaman mula sa Philippine Bangungot Program. Tara’t makinig, baka ito na ang info na kailangan mo.
More episodes
View all episodes

11. #USAPANGPUSOSAPUSO: HEARTY COOKING AND EATING TIPS FROM CHEF RV MANABAT
37:46||Ep. 11Sa episode na ito ng Usapang Puso sa Puso, pinapaalalahanan ng PHA ang mga Pilipino na kahit Pasko at Bagong Taon, hindi dapat ipagwalang-bahala ang kalusugan ng puso. Tatalakayin ni PHA Director III Dr. Iris Garcia kasama ang social media sensation at award-winning Chef RV Manabat ang mga heart-healthy cooking tips kaugnay sa tinatawag na holiday heart syndrome, na dulot ng sobra-sobrang pagkain, alak, late nights, at stress, na maaaring magdulot ng mataas na presyon, irregular na tibok ng puso, at iba pang komplikasyon.
10. #USAPANGPUSOSAPUSO: GERIATRICS AND THE HEART- PART II | ELDERLY FILIPINO WEEK
39:58||Ep. 10Sa Episode 2, binibigyang-diin ng PHA kung bakit mahalagang huwag iwan ang ating mga matatanda. Tinalakay muli nina PHA Director III and Advocacy Chair Dr. Iris Garcia, Dr. Augusto Niccolo Salalima, Dr. Agnes Cubillas, at Dr. Naheeda Mustofa ang mga heart red flags, pagkawala ng gana sa pagkain, tamang ehersisyo, at ang papel ng pamilya bilang frontline ng pangangalaga para sa mas malusog at mas masayang pagtanda.
10. #USAPANGPUSOSAPUSO: GERIATRICS AND THE HEART - PART I | ELDERLY FILIPINO WEEK
36:00||Ep. 10Pagtanda man ay hindi hadlang para maramdaman ang pagmamahal at pangangalaga sa puso. Sa episode na ito, makakasama ni PHA Director III Dr. Iris Garcia sina Dr. Augusto Niccolo Salalima, echocardiographer mula sa PHA Council on Preventive Cardiology, si Dr. Naheeda Mustofa, internist at medical nutrition doctor sa Asian Hospital and Medical Center, at si Dr. Agnes Cubillas, geriatrics doctor at consultant sa The Medical City upang malaman kung paano alagaan ang puso ng matatanda, mula sa heart age, nutrisyon, at supplements, hanggang sa regular check-up at ang pagsasabuhay ng PHA PUSO MUNA advocacy.
9. #USAPANGPUSOSAPUSO: Kapag Operasyon na ang Sagot: Critical Limb Ischemia
34:55||Ep. 9Sa part 2 ng UPP Limb Ischemia, mas palalalimin natin ang usapan—mula sa acute, chronic, hanggang critical stages nito, at kung kailan kailangan ang surgical interventions tulad ng bypass at iba pang vascular procedures.Kasama ni PHA Director III Dr. Iris Garcia sina Dr. Florimond Garcia, Father of Vascular Medicine in the Philippines, Dr. Renato Villanueva, at Dr. Ramon Ribu, mga eksperto sa Thoracic Surgery at Vascular Medicine.Tatalakayin din ang access sa gamutan, suporta ng gobyerno, kahalagahan ng patient awareness, at ang mahalagang tanong—kailan dapat magpatingin sa doktor.
9. #USAPANGPUSOSAPUSO: Leg Attack: Usapang PAD at Limb Ischemia
33:35||Ep. 9Sa episode na ito ng Usapang Puso sa Puso, makakasama ni UPP host at PHA Director III Dr. Iris Garcia si Dr. Paolo Joel Nocom ng Philippine Heart Center, Chair ng PHA Council on Coronary Artery Disease, para talakayin ang isang kundisyong madalas hindi napapansin—Limb Ischemia at Peripheral Arterial Disease (PAD).Pag-uusapan natin kung bakit may mga sugat sa paa na matagal maghilom, paano nagbabara ang mga ugat, at kung bakit mas mataas ang panganib sa mga may diabetes, hypertension, history ng stroke, at mga naninigarilyo. Alamin din kung bakit ang pananakit ng binti ay hindi lang simpleng pagod—maaari pala itong senyales ng seryosong sakit sa puso at ugat.
7. #USAPANGPUSOSAPUSO: PALYADONG PUSO? ALAMIN ANG SAGOT SA HEART FAILURE AT HEART TRANSPLANT
01:00:36||Ep. 7Sa episode na ito ng Usapang Puso sa Puso, sasamahan tayo nina Doc Jun Aventura at ng eksperto at super fit na cardiologist, Dr. Liberty "Petit" Yaneza, upang talakayin ang heart failure—ano ito, paano ito maiiwasan, at paano ito ginagamot. Ipinaliwanag nila ito sa pinaka-simple at madaling maintindihang paraan!Tuklasin natin kung paano naiiba ang "palyadong puso" sa isang normal na puso, bakit mahalagang maagang matukoy ang kondisyon, at anong lifestyle changes ang makakatulong para mapanatiling malusog ang ating puso. Pag-uusapan din natin ang heart transplant at kung paano ito maaaring maging realidad sa Pilipinas.
6. #USAPANGPUSOSAPUSO: HEART STRONG 2025: BEATING FOR A NEW YOU
24:14||Ep. 6Handa na ba talaga ang puso mo para sa 2025? Samahan si PHA Heart Surgeon Doc Avenilo “Jun” Aventura Jr. at alamin kung ano-ano ba ang mga heart health resolutions na kailangang tuparin para protektado ang puso. Mas kilalanin din ang #PHAPUSOMUNA advocacy, at paano ia-apply ang bawat heart healthy habit sa ating daily routine.
5. #USAPANG PUSO SA PUSO: HANDA NA BA KAYO? USAPANG HEALTHY HANDA NAMAN TAYO! Part 2
23:50||Ep. 5Nabitin ba sa usapang heart healthy recipes? Samahan niyo kami balikan ang sit-down interview kasama si Chef Margarita Fores at alamin ang kanyang kwento at kumuha ng inspirasyon para sa masarap at masustansyang handa! #MargaritaFores #HeartHealthyFood #NocheBuena #MediaNoche #Christmas #NewYear #Heart #UPP #UsapangPusoSaPuso #PHA #Puso