Share

cover art for Episode 21

TSOU24C-PRM

Episode 21

Habang patuloy na sumisikat si Noah, napaisip si Kelvin kung gaano na kalayo ang narating ng kanyang partner at roommate—mula sa pagiging misteryosong varsity player, hanggang sa unti-unting pagharap sa mata ng publiko. Sa gitna ng normal na takbo ng kanilang buhay, isang spekulasyon ang  sumabog sa social media. At doon tila nagsimula na gumuho ang mundo ni Kelvin.

More episodes

View all episodes

  • Episode 26

    16:44|
    Nagkukuwentuhan sina Kelvin at Noah tungkol sa kanilang mga plano, pangarap, at takot para sa hinaharap. Pero isang biglaang bisita ang naghatid ng balita na maaaring tuluyang magbago sa tahanang bumuo sa kanilang kuwento
  • Episode 25

    16:51|
    Isang makulay at makabagbag-damdaming Pasko at Bagong Taon ang naranasan nina Kelvin at Noah. Sabay nilang haharapin ang saya ng selebrasyon at ang tensiyon ng pakikipaglapit sa ama ni Noah. Handa na nga ba talaga si Kelvin na harapin ang pamilya ng taong mahal niya?
  • Episode 24

    12:18|
    Isang umagang puno ng asaran, tawa, at parcel drama ang sumalubong kina Kelvin at Noah. Mula banyo showdown hanggang nakakahiya (at medyo sweet) na video call kay Tita Myla, unti-unting lumalalim ang koneksyon nila. Pero sa cafeteria, may pasabog na magmumula kay Dominic na maglalantad ng panig at paninindigan.
  • Episode 23

    12:57|
    Isang IG post ni Noah ang tuluyang nagbunyag ng relasyon nila ni Kelvin. Habang dumadagsa ang suporta’t batikos, unti-unting gumaan ang pakiramdam ni Kelvin—sa wakas, wala na silang kailangang itago pa. They are together for better or for worse ika nga.
  • Episode 22

    17:20|
    Pagkalapag sa El Nido, dala ni Kelvin hindi lang ang bigat ng bagahe kundi ang takot na harapin ang kanyang pamilya. May mga tanong na hindi niya pa kayang sagutin. Pero isang tawag ang nagpaalala kay Kelvin na may naghihintay sa kanya. Sa pagitan ng katahimikan at katotohanan—ano ang pipiliin niya?
  • Episode 20

    12:41|
    Mainit ang laban ng Ardano sa UAAP semis. At bilang sorpresa ay palihim na bumiyahe si Kelvin mula sa Boracay hanggang MOA Arena kung saan naghahalo ang sigawan ng crowd at sulyap ng isang taong pinakamahalaga para sa kanya.
  • Episode 19

    13:22|
    Habang nag-uusap sina Kelvin at Dominic sa tabing-dagat, nabunyag ang isang sikreto. At pagdating ng pamilya ni Kelvin, may muling sumulpot, si Noah—romantic, sweet, at buo ang loob. Pero sa harap ng pamilya ni Kelvin, kaya ba nilang itago ang tunay nilang relasyon?
  • Episode 18

    14:31|
    Malapit nang matapos ang ikalawang taon nina Kelvin at Noah sa Ardano, pero isang biglaang halik sa loob ng science lab ang magpapainit sa isang hapon. Habang pinaghahandaan ni Kelvin ang internship sa Boracay, sinusulit niya na rin ang huling sandali kasama ni Noah. Pero sapat na ba ang tiwala nila sa isa’t isa—lalo na’t may hindi inaasahang makakasabay si Kelvin sa Boracay?