Share

cover art for Friendship o Pag-ibig?

Kumikinang na Tambalan

Friendship o Pag-ibig?

•

Best friend mo na nga, safe space mo pa. Pero what if one day, bigla ka nang mahulog sa kanya? Aamin ka ba o titiisin mong maging best friend na lang forever?


Sa bagong season ng Kumikinang na Tambalan, magkasamang haharapin nina Nicolehyala (Gen X) at Titan Gelo (Gen Z) ang isang Mahiwagang Burnay confession tungkol sa isang girl na nagkakagusto sa kanyang best friend na si Nico. Three years na silang magkaibigan, pero may chance bang maging something more ang kanilang friendship? O baka naman friendship lang talaga at umaasa ka lang sa mixed signals?


Dito na papasok ang dalawang magkaibang pananaw! From the classic reto at blind dates noong panahon ni Nicole hanggang sa dating apps at endless options ng Gen Z, pag-uusapan nila kung paano nagbago ang dating scene through the years.


At siyempre, hindi mawawala ang personal experiences! May kwento rin si Nicole tungkol sa isang poging nag-aya sa kanya for coffee, pero imbes na date ang ending, nauwi siya sa isang ₱25,000 networking experience! Aray, ang mahal naman ng kilig! 😂


Kabisyo, ikaw, naniniwala ka ba sa best friends becoming lovers? O mas mabuting huwag nang guluhin ang friendship?


Usapang love, friendship, dating, at generational differences dito lang sa Kumikinang na Tambalan with Nicolehyala and Titan Gelo!

Powered by The Pod Network, and 90.7 Love Radio!


TAP the FOLLOW button and NOTIFICATION BELL here on SPOTIFY!


Facebook: https://www.facebook.com/thepodnetwork

Instagram: https://www.instagram.com/thepodnetwork/

YouTube: https://www.youtube.com/@ThePodNetworkEntertainment


If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, advertisements or other collabs, please send an email to our management: info@thepodnetwork.com

More episodes

View all episodes

  • A Smile to Remember (Part 2)

    43:41|
    Mula sa pangarap na smile hanggang sa wakas ay matupad ito—sa Part 2 ng A Smile to Remember, ipinagpatuloy ni Nicole ang kanyang journey with Dr. RFD, President and Founder of Urban Smiles, para sa pinapangarap niyang veneers.Isang espesyal na kwentuhan tungkol sa confidence, self-love, at sa saya ng isang pangarap na sa wakas ay natupad. Pakinggan ang Part 2 ng season-ender episode ng Kumikinang na Tambalan.
  • A Smile to Remember

    54:21|
    Minsan, may mga pangarap tayong matagal nating hinihintay bago tuluyang matupad. Para kay Nicole, isa sa mga pangarap niyang iyon ay ang magkaroon ng smile na matagal na niyang gusto—at sa special episode na ito, unti-unti na itong nagiging realidad!Sa tulong ni Dr. RFD, President and Founder ng Urban Smiles, sinimulan na ni Nicole ang journey para matupad ang personal dream niyang magkaroon ng veneers. Isang espesyal na episode tungkol sa confidence, bagong ngiti, at isang pangarap na sa wakas ay malapit nang matupad. Pakinggan ang Part 1 ng season-ender episode ng Kumikinang na Tambalan!
  • Para sa pamilya

    27:42|
    Bilang magulang, gagawin mo ang lahat upang maginhawa ang kinabukasan ng iyong pamilya at mga anak. Lahat ng sakripisyo ay iyong tatanggapin para lang sa kanila. Ngunit paano kung may nalaman ka mula sa iyong asawa, na tila nagpabagsak sa iyong mundo? Alamin ang buong kwento ni Rodel sa Kumikinang na Tambalan!
  • When I needed you most

    30:28|
    Lahat ng mag asawa dumadaan sa maraming pagsubok. May ibang napag-uusapan, at may iba namang maaaring sumira na ng tuluyan sa kanilang relasyon. Alamin ang istorya ni Jaqui sa Kumikinang na Tambalan!
  • Pangalawang tahanan

    39:53|
    Ang natural na kalamidad ay isa sa mga pinakanakakatakot at nakakatrauma na experience na maari nating maranasan. Dahil sa isang iglap lang, maaring mawalan ka ng hanapbuhay, tahanan, at sariling buhay. Alamin ang kwentong ito mula sa dalawang pundasyon ng radyo dito lang sa Kumikinang na Tambalan!
  • Kwentong Chopsticks

    33:07|
    Iba ang pagpapalaki sa henerasyon ngayon kaysa sa mga naunang henerasyon. Marami na silang choices at options na pwedeng gawin sa buhay. Mga pangarap ng magulang mo noon, normal na lang ngayon. Sabi nga nila, "malayo pa pero malayo na." Kaya alamin ang mga kwento nina Nicole at Diego dito lang sa Kumikinang na Tambalan!
  • Limang taon

    30:54|
    Minsan, nag o-overtime ang isang magulang sa trabaho para may extra na magagastos para sa pamilya. Pero paano kung ang mga paalam na overtime ay may iba palang dahilan? Alamin ang istorya ni Amara sa Kumikinang na Tambalan!
  • Hindi ka "less than"

    31:52|
    Ang isang pamilya ay tumatagal dahil sa pagmamahal, aruga at alaga nila sa isa't-isa. Ngunit paano kung isang araw, may nalaman kang sikreto na itinago sayo ng magulang mo? Alamin ang sikretong nalaman ni Nero sa Kumikinang na Tambalan!