Share

ST [Premium]
Secret Ties: Ano Ang Mga Susunod na Mangyayari kay Rafael?
•
Natapos na ang season, pero tuloy pa rin ang kwentuhan! Sumali sa Seryenatics Facebook community at i-follow ang aming mga page para updated ka sa mga susunod naming balita at special content. Dito lang sa Serye FM!
More episodes
View all episodes

28. Episode 28: The Importance of Presence
09:42||Season 1, Ep. 28Matapos makalimutan ni Rafael ang kanilang monthsary, nararamdaman niyang may distansya na sa pagitan nila ni Miguel. Sa isang harapang usapan, inamin ni Rafael ang pagkukulang niya at ipinaliwanag na para sa kanya, ang presensya ni Miguel ang mas mahalaga. Sa huli, kahit pa inakala ni Rafael na gusto ng makipaghiwalay ni Miguel sa kanya ay napatunayan nilang marami pa silang dapat alamin sa isa’t isa.
27. Episode 27: Reflections and Celebrations
04:32||Season 1, Ep. 27Nagre-reflect sina Miguel at Rafael sa mga takot at duda nila noon tungkol sa kanilang relasyon. Naisip ni Rafael na karamihan ng mga problema ay gawa lang ng kanyang isip. Masaya nilang napag-usapan kung paano naging magaan ang lahat dahil sa suporta nina Karen at Lucas. Sa kalagitnaan ng masayang usapan, sinorpresa ni Miguel si Rafael ng monthsary gift, ngunit medyo nagkaproblema nang hindi ito maalala ni Rafael.
26. Episode 26: Hindi na Matago
06:56||Season 1, Ep. 26Nais klaruhin ni Rafael ang estado ng relasyon nila ni Miguel. Pero dahil sa isang biglaang halik sa opisina, nahuli sila ni Karen. Sinubukan nilang huwag magpahalata pero alam ni Rafael na hindi na nila maitatago ang kanilang relasyon. Sa wakas, nagdesisyon sila na magpakatotoo kay Karen at Lucas, na matagal nang alam ang tungkol sa kanila. At nagbigay ng suporta ang dalawa sa relasyon nila na ikinagulat ni Rafael.
25. Episode 25: Another Weekend Date
05:06||Season 1, Ep. 25Naging mas open si Miguel tungkol sa relasyon nila ni Rafael, pero nahihirapan si Rafael sa bagong sitwasyon, lalo na sa harap ng mga katrabaho nila. Isang biglaang sitwasyon ang nagdulot ng tensyon kay Rafael. Pero mukhang nais na talaga ni Miguel ng pagbabago. Ayaw na nitong itago pa ang relasyon nila ni Rafael lalo na sa opisina. Paano ba nila sasabihin ang tungkol sa kanilang dalawa?
24. Episode 24: Suko Na
06:04||Season 1, Ep. 24Naging emosyonal si Rafael sa huling usapan nila ni Jared bago ito mag-transfer sa ibang branch. Nagkaayos na ang dalawa, at si Jared ay nakahanap ng kapayapaan sa kanyang desisyon na umalis. Samantala, si Miguel ay nandiyan upang suportahan si Rafael, na hirap pa ring tanggapin ang pag-alis ni Jared. Sa kabila ng lahat, natutunan ni Rafael na tanggapin ang mga pagbabago.
23. Episode 23: Office Gossips
06:48||Season 1, Ep. 23Kumakalat ang tsismis sa opisina tungkol kina Miguel at Rafael matapos mabunyag ang kanilang relasyon. Pinoprotektahan ni Jared ang dalawa mula sa mga usapan, kahit na nasasaktan siya. Hinarap ni Miguel si Jared tungkol sa biglaang plano nito na lumipat sa ibang branch. Pero sinabi ni Jared na nais niyang subukan ang ibang oportunidad. Nagulat na lang rin si Rafael nang malaman ang planong paglipat ni Jared.
22. Episode 22: Facing Reality
05:54||Season 1, Ep. 22Habang sinusubukan nina Miguel at Rafael na panatilihing propesyonal ang kanilang relasyon sa trabaho, lumala ang tensyon sa pagitan nila at ni Jared. Sa isang mainit na meeting, hindi na napigilan ni Jared ang selos. Sa rooftop, nagkaroon ng emosyonal na pag-uusap sina Jared at Rafael, kung saan inamin ni Jared na masakit na makita si Rafael na masaya kay Miguel. Walang magawa si Rafael sa sitwasyon.
21. Episode 21: Kapalpakan sa Date
06:05||Season 1, Ep. 21Sa unang weekend getaway nina Miguel at Rafael, awkward ang simula. Nawala sila sa daan, at hindi mapigilan ni Miguel ang magtrabaho kahit sa bakasyon. Naiinis si Rafael pero nagpigil siya na tuluyang magalit. Humingi ng tawad si Miguel at tinawag si Rafael ng "raffy" sa unang pagkakataon. Unti-unting nawawala ang mga kaba at pagkairita. At mas lalo na silang nagiging mas malapit na sila sa isa’t isa.