Share

cover art for Glaiza De Castro, ikinuwento sa unang pagkakataon ang pinagdaanan na sakit ng yumaong ama | i-Listen

I-Listen with Kara David

Glaiza De Castro, ikinuwento sa unang pagkakataon ang pinagdaanan na sakit ng yumaong ama | i-Listen

•

Hulyo nitong nakaraang taon nang ibahagi online ni Glaiza De Castro ang pagpanaw ng kanyang ama. Sa unang pagkakataon ay emosyonal na ikinuwento ng aktres kay Kara David ang pinagdaanan na sakit ng ama at kung paano niya tinanggap ang pagpanaw nito habang siya’y nasa ibang bansa.


Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’

More episodes

View all episodes

  • Lalaking nakulong ng 8 taon at nag-aral sa loob ng piitan, isa nang barista ngayon! | i-Listen

    29:02|
    Dahil sa isang insidente, nakulong ng halos walong taon sa piitan si Ryan Gorospe. Sa loob ng kulungan, nakahanap ng pag-asa si Ryan sa tulong ng Philippine Jesuit Prison Service kung saan hinikayat siyang mag-aral at matuto sa paggawa ng iba’t ibang kape.Mula sa pagiging person deprived of liberty o PDL, isa nang ex-preso barista ng isang coffee cart si Ryan kasama ang mga kapwa PDL!
  • Kakai Bautista, naging wardrobe assistant ni Lea Salonga bago maging aktres! | i-Listen

    31:48|
    Bago makilala bilang ‘The Dental Diva’ ang actress, comedienne at singer na si Kakai Bautista, naging wardrobe assistant muna siya ng broadway actress na si Lea Salonga! Mula sa pagiging parte ng mga tao sa likod ng telon, paano nga ba napunta sa limelight si Kakai?Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
  • Jay Costura, na-predict umano ang pandemya at pagputok ng bulkan noon?! | i-Listen

    28:03|
    Binansagag online bilang “Nostradamus” ang psychic reader at paranormal researcher na si Jay Costura dahil sa kakayahan umano nitong makita ang hinaharap. Ilan daw sa mga nakita niyang vision noon ang pagputok ng isang bulkan at pagtama ng pandemya!Pero ang kakaibang abilidad niya, bakit nga ba itinuturing niyang regalo at sumpa?Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
  • Cherry Pie Picache, paano pinatawad ang taong pumatay sa kanyang ina? | i-Listen

    33:15|
    2014 nang mabalita ang pagpatay sa ina ni Cherry Pie Picache na si Zenaida Sison. Ang gumawa ng krimen, ang tagalinis ng kanilang bahay.Natagpuan si Zenaida na may maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sa kabila ng matinding sakit at galit, paano natutong magpatawad si Cherry Pie sa taong pumatay sa kanyang ina?
  • Batang naulila sa ina matapos barilin, nagsumikap at ngayo’y college graduate na | i-Listen

    39:13|
    Taong 2007 nang unang makilala ni Kara David si Lily Ambrosio para sa dokumentaryo ng ‘I-Witness’ na ‘Sa Mga Mata ni Ekang.’ Tatlong taong gulang pa lamang noon si Lily o ‘Ekang’ kung tawagin, nang mamulat siya sa mundo ng ipinagbabawal gamot dahil sa ina niyang runner ng droga. Ang bahay nila ay nagsilbing tambayan ng mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.Pinatay ang kanyang ina sa loob ng bahay nila habang natutulog noon sina Ekang.Makalipas ang halos dalawang dekada, kumusta na nga ba ang mundo sa mga mata ni Ekang?
  • Rochelle Pangilinan, naiyak nang ikuwento ang mga aksidente sa SexBomb reunion concert | i-Listen

    46:47|
    Isa marahil sa pinakahihintay ng bawat batang pinalaki ng SexBomb Girls ay ang kanilang five-day reunion concert na nagsimula noong December 2025 hanggang nitong February 2026. Pero ang hindi alam ng nakararami, sa likod ng bawat sold out night ng five-day reunion concert ay katakot-takot na mga aksidente onstage at backstage!Ang ilan sa mga hindi makakalimutan na sorpresa noong ‘Get Get Aww Rawnd Concert,' ibabahagi ni SexBomb Rochelle Pangilinan sa ‘i-Listen with Kara David.’
  • Pokwang, hindi makauwi ng bansa nang pumanaw ang anak na may brain tumor | i-Listen

    37:47|
    Bago makilala bilang komedyante at aktres si Marietta Subong o “Pokwang,” naging OFW muna siya sa iba’t ibang bansa bilang entertainer.Nagtatrabaho siya sa Abu Dhabi nang malaman na may brain tumor ang kanyang anak. Sa kasamaang palad, hindi kinaya ng anak ni Pokwang ang operasyon at pumanaw. Dahil sa laki ng gastusin ay hindi nagawa ni Pokwang na umuwi para sa libing nito.Ang hugot sa bawat pag-arte at pagpapatawa ni Pokwang, pakinggan sa “i-Listen with Kara David.”
  • Sassa Gurl, proud anak ng kasambahay; niregulahan ng sariling bahay ang ina! | i-Listen

    36:14|
    Nakilala ang content creator na si Sassa Gurl dahil sa kanyang nakatutuwang videos o kung tawagin ng karamihan ay ‘kanal humor.’ Pero bukod sa pagiging ‘Mima ng Bayan’ sa kanyang mga naka-naka, isa ring proud nakshie si Sassa Gurl! Ang kanyang ina kasi, naitaguyod ang kanyang pag-aaral mula sa pagtatrabaho bilang kasambahay!