Share

cover art for Ice Seguerra, dumaan sa iba't ibang transitions sa buhay kabilang na ang pagpanaw ng ina | i-Listen

I-Listen with Kara David

Ice Seguerra, dumaan sa iba't ibang transitions sa buhay kabilang na ang pagpanaw ng ina | i-Listen

Mula sa pagiging child star sa edad na tatlo, singer-songwriter at ngayo'y direktor, marami nang 'transition' sa buhay ang pinagdaanan si Ice Seguerra. Pero isa sa pinaka naging maingay na balitan tungkol sa pagbabago sa buhay niya ay nang siya'y maging isang transman.

Kailan nga ba napagtanto ni Ice na bahagi siya ng queer community? At paano nga ba ito tinanggap ng kanyang magulang?

Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'

More episodes

View all episodes

  • Babaeng nakikipaglaban sa Parkinson's Disease, isa nang author at motivational speaker | i-Listen

    32:07|
    20-anyos si Marites Valencia Odarbe nang ma-diagnose ng Parkinson's Disease. Nakakaranas si Marites ng matinding tremors o paggalaw sa kanyang kamay at paa, pagkaputol-putol ng pananalita at minsa'y paninigas ng kalamnan.Pero sa kabila ng kondisyon niya, isa nang book author at motivational speaker si Marites upang magsilbing boses ng mga taong may kaparehas na pinagdadaanan.Pakinggan ang matapang niyang pakikipaglaban sa 'i-Listen with Kara David.'Para sa mga nais tumulong kay Marites, maaaring magdeposito sa:BANK: BPI Banko AccountACCOUNT NAME: JEANNE MARIE VALENCIA ODARBEACCOUNT NUMBER: 1800 3127 7939
  • TJ Monterde, nakipagsapalaran sa Maynila dala ang gitara at notebook mula Cagayan de Oro | i-Listen

    38:17|
    Mula Cagayan de Oro, dala ang kanyang gitara, notebook at lakas ng loob, nakipagsapalaran ang singer-songwriter na si TJ Monterde sa Maynila. Kasama ang kanyang matalik na kaibigan, churchmate at kalaunan ay naging longtime guitarist niyang si Makoy Portado, sa isang maliit na apartment sa Mandaluyong ay nagsimula silang mangarap na marinig ng marami ang kanilang musika.Ang kuwento sa likod ng musika ni TJ, pakinggan sa ‘i-Listen with Kara David.’ 
  • Bianca Umali, naulila sa magulang sa edad na 10; living independently na sa edad na 16?! | i-Listen

    41:09|
    Limang taong gulang si Bianca Umali nang pumanaw ang kanyang ina dahil sa breast cancer at 10 taong gulang naman siya nang mamatay ang ama sa heart attack.Kaya naman ang nagsilbing magulang ni Bianca… ang kanyang Lola Vicky! Pero sa edad na 16, bakit nga ba pinili ni Bianca na humiwalay na sa kanyang lola at maging independent?Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
  • Binata, pinanganak at lumaki sa kulungan dahil nakapiit ang nanay at lola | i-Listen

    30:04|
    Sa kulungan ipinanganak at lumaki si Paul Gangcuangco Pili dahil nakapiit sa Women’s Correctional ang kanyang Nanay Aleth at Lola Naty.Ano nga ba ang buhay ng isang batang lumaki sa loob ng kulungan, malayo sa kanyang mga mahal sa buhay at napaliligiran ng mga PDL o person deprived of liberty at ng mga jail guard?Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
  • Gloc-9, pinagbawalan kantahin ang 'Upuan' sa ilang shows at events?! | i-Listen

    33:30|
    Magsasalita na ang paborito nating makata at wala siyang apelyido!Filipino rap legend Gloc-9, ibinahagi kay Kara David ang kuwento sa likod sa ilang obra niyang kanta. Hit song na ‘Upuan,’ minsan daw na pinagbawalang kantahin ni Gloc-9 sa ilang shows at events?!Pakinggan ‘yan sa “i-Listen with Kara David.’
  • ‘The Master Cutter’ star Shuvee Etrata, naging emosyonal kay Kara David?! (Full Episode) | i-Listen

    41:02|
    Sa likod ng malalakas na tawa at mga banat, isang kuwento ng sakripisyo at patuloy na paghilom ang ibabahagi ng Island Ate ng Cebu at #TheMasterCutter star na si Shuvee Etrata.Si Shuvee, emosyonal na ibinahagi ang kanyang mga naging sakripisyo para sa kanyang pamilya. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
  • Piolo Pascual, nag-akyat-bahay sa sariling bahay dahil sa kasambahay na si Moi Bien?! | i-Listen

    32:57|
    Bago makilala bilang aktres sa iba’t ibang pelikula at teleserye, nagsimula si Moi Bien bilang kasambahay ni Piolo Pascual kung saan halos dalawang dekada siyang namasukan. Ang hunk actor, minsan daw naging akyat-bahay sa sarili nitong tahanan nang makatulog si Moi!At ang naging daan para pasukin ni Moi ang pag-arte… dahil daw sa pamimilit nina Papa P at Direk Joyce Bernal?!Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
  • Mimiyuuuh, dating pinapalayas sa inuupahan, ngayo’y may sarili nang bahay at kotse! | i-Listen

    29:12|
    IT’S YOUR GIRL MIMIYUUUH IS HERE!Full bangs, plastic na cabinet, bonggang mga OOTD, at nakatutuwang content — diyan nakilala ang online content creator na si Mimiyuuuh. At dahil sa kanyang talento pagdating sa fashion ay nakabilang na rin siya sa ilang malalaking fashion events.Ang batang Baclaran na laging pinapalayas, ngayo'y may sarili nang bahay at kotse!Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'