Share

cover art for Hugo's Secret: Episode 14

HS [Premium]

Hugo's Secret: Episode 14

Habang mas lalong nagiging malapit sina Hugo at Aki, nagpasiya si Hugo na dalhin si Aki sa sementeryo upang ipakita sa kanya ang isa pang sikreto na hanggang ngayo’y kinikimkim pa ni Hugo. Dito, ilalahad ni Hugo ang kanyang mapait na nakaraan at ipinahayag ang matagal na niyang nararamdaman para kay Aki. Ano ang magiging reaksyon ni Aki dito?

More episodes

View all episodes

  • Hugo's Secret: Episode 20

    13:54|
    Sa wakas, natagpuan nina Hugo at Aki ang tahimik na kasiyahan sa lilim ng punong nagkukubli ng kanilang pangako. Sa gitna ng hacienda, nilakbay nila ang hirap at saya, pinagtibay ang pagmamahalang nakatakdang magtagal hanggang wakas. Isang kwento ng pangarap na pag-ibig na sa wakas ay natupad
  • Hugo's Secret: Episode 19

    17:39|
    Matapos ang mga pagsubok, unti-unting bumabangon sina Aki at Hugo mula sa sakit ng nakaraan. Ngunit sa pag-uwi ni Hugo sa kanilang hacienda, muling haharapin ang mga hamon ng pagtanggap mula sa kanyang pamilya. Kasabay nito, napukaw ang mga tanong ni Aki sa naging kwento ng nakaraan ni Lolo Marciano. Sa wakas, masisilayan kaya nila ang simula ng isang masayang bukas?
  • Hugo's Secret: Episode 18

    17:26|
    Matapos ang masakit na hiwalayan, pinilit ni Aki na bumangon at ipagpatuloy ang buhay. Ngunit sa gitna ng pagharap sa kanyang damdamin, isang aksidente ay maghihinto rito. Si Hugo, lubos ang pagsisisi, ngunit patuloy na sinusubok ng kanyang pamilya ang kanilang pag-ibig. May pag-asa pa bang maayos ang lahat, o ito na ang huling kabanata ng kanilang kwento?
  • Hugo's Secret: Episode 17

    18:00|
    Nagpupumilit si Aki na maintindihan ang mga kilos ni Hugo matapos makita ito kasama ang ibang babae. Samantala, nalaman ni Hugo ang plano ng kanyang ama na ipakasal siya kay Eliza, dahilan upang gumawa siya ng isang mahirap na desisyon. Sa gitna ng tensiyon at pagkakagulo ng kanilang mundo, may mga sugat na patuloy na lumalalim.
  • Hugo's Secret: Episode 16

    15:31|
    Mas tumitibay ang koneksyon nina Aki at Hugo, ngunit may kilos si Hugo na nagdudulot ng pag-aalala at pagdududa mula kay Aki. Habang naglalakad si Aki, isang tanawin ang gumulat kay sa kanya—isang bagay na maaaring banta sa kanilang relasyon. Ano nga kaya ang ibig sabihin nito?
  • Hugo's Secret: Episode 15

    18:59|
    Habang nagiging mas malapit sina Aki at Hugo, dumating ang unang pagsubok ng selos. Sa isang tahimik na restaurant, ipinahayag ni Hugo ang kanyang pagmamahal, ngunit hindi maiwasan ni Aki ang magduda sa kanilang relasyon matapos ang isang insidente sa parking lot.
  • Hugo's Secret: Episode 13

    14:42|
    Nagdesisyon si Aki na umuwi na sa kanilang bahay, ngunit hirap si Hugo na pakawalan siya, lantaran ang kagustuhang palaging kasama si Aki. Sa pag-uwi ni Aki, sinalubong siya ng kanyang pamilya, pero nagkaroon ng kakaibang tensyon nang biglang lumitaw si Hades. Sino ba talaga si Hades? At bakit siya kilala ni Hugo? Habang dumarami ang tanong tungkol sa buhay ni Hugo at kung sino ang ina ni Simon, napagtanto ni Aki na maraming bagay pa siyang hindi alam tungkol kay Hugo.
  • Hugo's Secret: Episode 12

    14:53|
    Ang unang opisyal na date nina Hugo at Aki ay puno ng nakakakilig na sandali, ngunit hindi rin mawawala ang tensyon sa pagitan nila. Sa bird sanctuary, nagtapat si Hugo ng kanyang nararamdaman, ngunit may isang hiling si Aki upang mapatunayan ni Hugo na tunay ang kanyang sinseridad.